Tsina sa Hapon: pabilisin ang pagdidispatsa ng mga abandonadong sandatang kemikal

2024-07-31 16:15:24  CMG
Share with:

Inihayag, Hulyo 30, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kailangang pabilisin ng Hapon ang proseso ng pagdidispatsa sa mga abandonadong sandatang kemikal o Abandoned Chemical Weapons (ACW).

 


Aniya, ang paggamit ng mga ito ay isa sa mga seryosong krimen na ginawa ng Hapon sa panahon ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig (WWII), na nagdudulot pa rin ng malubhang banta sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga Tsino.

 

Hiniling niya sa Hapon na agaran, ligtas, malinis, at ganap na dispatsahin ang naturang mga sandata, alinsunod sa probisyon ng Chemical Weapons Convention at Memorandum of Understanding between the Government of the People's Republic of China and the Government of Japan on the Destruction of the ACW in China.

 

Binigyang-diin pa niyang dapat harapin ng Hapon ang mga alalahanin ng Tsina, ipatupad ang plano ng komprehensibo at tumpak na pagdidispatsa sa mga ACW, at ibalik ang dalisay na lupain sa mga mamamayang Tsino sa lalong madaling panahon.

 

Matatandaang sa tulong ng Tsina, nahukay at nabawi ng Hapon ang humigit-kumulang 130,000 ACW at nadispatsa ang halos 100,000 sa mga ito.

 

Gayunpaman, sinabi ni Lin, na nahuhuli pa rin ang proseso ng pagsira dahil sa di-sapat at di-pantay na aksyon mula sa Hapon.

 

Dagdag niya, 4 na beses nang hindi na-abot ng bansa ang target nito, at nariyan pa rin ang mga pangunahing di-pa nalulutas na isyung patuloy na sumasagabal sa nasabing proseso.