Sinabi Lunes, Hulyo 29, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina na paulit-ulit nang inihayag ng panig Tsino ang pagtutol sa anti-subsidy investigation ng Unyong Europeo (EU) laban sa mga sasakyang de koryente ng Tsina.
Ipinagdiinan niyang ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta ay esensya ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at EU, at ang pagpapataw ng karagdagang taripa ay proteksyonistikong aksyon.
Hindi aniya ito makakatulong sa pandaigdigang sigasig sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Batay sa paggagalangan, ang maayos na paghawak sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon ay angkop sa komong kapakanan ng Tsina at EU, aniya pa.
Kaugnay naman ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Italya, sinabi ni Lin na mabungang-mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, at nakikinabang dito ang mga Tsino at Italyano.
Sa kasalukuyan, matumal ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, kaya dapat pag-ibayuhin ng dalawang bansa ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan, para dagdagan ang mas maraming lakas-panulak sa sariling pag-unlad, saad ni Lin.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Berdeng enerhiya sa pagkakarga ng de-kuryenteng sasakyan, itataguyod ng Beijing
Tsina, inilunsad ang imbesitgasyon sa mga kagawian ng EU sa foreign subsidy investigations
Paninindigan sa Diyalogo ng Tsina at EU sa Karapatang Pantao, ipinagdiinan ng Tsina
Pagsira sa patas na kompetisyon sa katwiran ng patas na kompetisyon, tinututulan ng Tsina