Tsina sa ilang kaukulang bansa: aktuwal na igalang ang pagsisikap ng mga rehiyonal na bansa para sa kapayapaan at katatagan

2024-07-29 17:49:57  CMG
Share with:

Ipinahayag Hulyo 29, 2024 ng Amerika, Hapon, Australia at India ang seryosong pagkabahala sa East China Sea and South China Sea.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa at mga inisyatiba sa rehiyon ay dapat makatulong sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon, sa halip na masira ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon.

 


Ang mekanismo ng Quadtrilateral ng Amerika, Hapon, India at Australia ay nag-uudyok ng komprontasyon at pinipigilan nito ang pag-unlad ng ibang bansa, at sumasalungat sa kalakaran ng paghahanap ng mapayapang pag-unlad, pagtutulungan at kaunlaran sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Binigyan-diin ni Lin na buong tatag na pinapangalagaan ng Tsina ang soberanya ng teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat, at iginigiit ang wastong paghawak ng bilateral na mga isyung pandagat sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon ng mga kaukulang bansa.

 

Aniya, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang mga kaugnay na bansa na makisali sa komprontasyon sa katuwirang umano’y “salungat na pamimilit”.

 

Hinimok ng Tsina ang mga bansa sa labas ng rehiyong ito na aktuwal na igalang ang pagsisikap ng mga rehiyonal na bansa para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, dagdag ni Lin.  

 

Salin:Sarah

Puildo:Ramil