Dumalo, Hulyo 30, 2024 sa Tehran si Peng Qinghua, kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sa seremonya ng panunumpa ni Peyravi Kianian, bilang bagong Pangulo ng Iran.
Nang sumunod na araw, Hulyo 31, kinatagpo ng bagong pangulong Iranyo si Peng.
Sinabi ni Peng, na handang palalimin ng panig Tsino ang politikal na pagtitiwalaan sa bagong gobyerno ng Iran, matatag na isulong ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang larangan, at pabubutihin ang komprehensibong estratehikong partnership tungo sa bagong pag-unlad.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Peyravi Kianian si Pangulong Xi sa pagpapadala ng kinatawan sa kanyang seremonya ng panunumpa.
Aniya, matatag na suportado ng Iran ang pagtatanggol ng Tsina sa mga pangunahing interes nito.
Aktibo rin aniyang makikilahok ang kanyang bansa sa Belt and Road cooperation at tatlong pangunahing pandaigdigang inisyatiba ng Tsina.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Rhio