Limang (5) estudyante ang nasawi, samantalang 20 iba pa ang grabeng nasugatan sa banggaan ng isang school bus at isang pangkargamentong tren sa Middelburg, probinsyang Mpumalanga, silangang bahagi ng Timog Aprika, Hulyo 31, 2024.
Ayon sa Kagawaran ng Transportasyon ng Timog Aprika nang araw ring iyon, tumakas ang drayber ng school bus pagkatapos ng aksidente.
Hindi naman nasaktan ang drayber ng tren at mga tauhan nito.
Kasalukuyang ini-imbestigahan ng kapulisan at pamprobinsyang sangay ng nasabing kagawaran ang sanhi ng aksidente.
Nanawagan ito sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas na paigtingin ang kaligtasan sa kalsada para sa mga sasakyang pang-estudyante, at hinikayat ang lahat na sumunod sa mga batas trapiko.
Salin: Qiu Siyi
Pulido: Rhio