39,258, patay sa kasalukuyang sigalot ng Palestina’t Israel

2024-08-01 17:00:40  CMG
Share with:

Inihayag, Hulyo 27, 2024 ng departamento ng kalusugan sa Gaza Strip, na 41 katao ang namatay, samantalang 103 ang nasugatan sa mga operasyon ng Israel Defense Forces (IDF) sa Gaza Strip sa nakalipas na 24 oras.

 

Magmula nang muling sumiklab ang alitan ng Israel at Palestina noong Oktubre 7, 2023, 39,258 na Palestino ang naitalang nasawi, at 90,589 iba pa ang nasugatan sa operasyong militar ng IDF sa Gaza Strip.