Pagkamatay ng lider ng Hamas, kinondena ng Tsina

2024-08-01 15:43:29  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pagkamatay ng lider ng Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas) na si Ismail Haniyeh, sinabi, Hulyo 31, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito’y sinusubaybayan, mahigpit na tinututulan at kinukondena ng kanyang bansa.

 

Labis aniyang nag-a-alala ang Tsina sa maaaring kahihinatnan ng sitwasyon sa rehiyon.

 

Sinabi ni Lin, na "palaging isinusulong ng Tsina ang pagresolba sa mga alitan sa rehiyon sa pamamagitan ng negosasyon at diyalogo. Dapat isakatuparan ang komprehensibo at permanenteng tigil-putukan sa Gaza Strip sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang higit pang paglala ng mga salungatan at komprontasyon." 


Salin: Ma Meiyuena

Pulido: Rhio