Pagpapahupa ng situwasyon ng Gitnang-silangan, ipinanawagan ni Antonio Guterres

2024-08-01 14:50:08  CMG
Share with:

Upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan, hinimok, Hulyo 31, 2024 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang lahat ng panig na pag-ibayuhin ang mga pagsisikap upang mapagaan ang situwasyon sa Gitnang-silangan.

 

Ang mga pangyayari kamakailan ay nagpahina aniya sa mga pagsisikap upang makamit ang layuning ito.

 

Kaugnay nito, ang mga pag-atake sa Beirut at Tehran ay kumakatawan sa isang "mapanganib na pagtaas" ng tensyon, ani Guterres.

 

Sa parehong araw, inihayag ni Ahmed Aboul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng Liga ng mga Bansang Arabe (LAS), na ang mga aksyon ng Israel sa rehiyon ay mapanganib at posibleng magresulta sa malubhang kahihinatnan.

 

Binigyang-diin niyang kailangang ipataw ng internasyonal na komunidad ang kinakailangang presyur sa Israel upang iwasan ang ganap na salungatan sa rehiyon.


Salin: Yan Jiayue

Pulido: Rhio