CMG Komentaryo: Dapat manatiling alerto sa aksyon ng Hapon sa isyung nuklear

2024-08-01 14:28:29  CMG
Share with:

Sa katatapos na “2+2” pulong ng Amerika at Hapon, isinagawa ng Hapon ang mga hakbangin para pahigpitin ang kooperasyong panseguridad.

 

Partikular na nabanggit ang hinggil sa kakayahan ng Amerika sa deterensyang nuklear.

 

Ang aksyong ito ay labag sa obiligasyon ng Hapon bilang isang bansang walang sandatang nuklear na itinakda ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT).

 

Ito rin ay magpapalala sa hamon ng pagkalat ng sandatang nuklear at sagupaang nuklear.

 

Ipinakikita ng nasabing aksyon ang doble istandard na kaisipan ng Hapon sa isyung nuklear.

 

Sa isang banda, matagal na nitong sinasabi na dapat itatag ang isang mundong ligtas sa sandatang nuklear, pero, aktibo namang sumasapi ang bansa sa sistema ng sandatang nuklear ng Amerika.

 

Ang aksyon ng Hapon ay pupukaw ng tensyon sa Asya-Pasipiko.

 

Bukod sa sandatang nuklear, aktibo ring kinokondena ng bansa ang isyu ng sandatang nuklear ng Tsina para ilipat ang pagsubaybay at pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa pagpinsala nito sa seguridad-pandaigdig.

 

Sa umiiral na konstitusyon ng Hapon, maliwanag na itinakda ang pagtatakwil ng digmaan at paggigiit sa landas ng mapayapang pag-unlad.

 

Pero, ang kasalukuyang aksyon ng Hapon sa isyung nuklear ay hindi lamang labag sa mga tadhana ng sarili nitong Konstitusyon at pandaigdigang kasunduan, kundi magdudulot ng mga panganib sa sarili at katatagan at kapayapaang panrehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio