Nitong ilang taong nakalipas, parami nang paraming kabataang Tsino ang pumupunta sa Xizang para simulan ang kanilang negosyo.
Ang paunang dahilan ng pagpili nila sa Xizang ay mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng lokalidad.
Sa tulong ng pamahalaang sentral ng Tsina, umuunlad nang malaki ang Xizang sa industriya ng kultura at turimo, sona ng teknolohiya ng agrikultura at base ng manupaktura na may mataas na added-value.
Ayon sa datos, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Xizang noong unang hati ng taong 2024 ay lumaki ng 6.1% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.
Kasabay nito, isinapubliko ng pamahalaan ng Xizang ang isang serye ng mga hakbangin para katigan ang pagsisimula ng mga kabataan ng negosyo sa lokalidad.
Kabilang sa naturang mga hakbangin na ito ay ang pagtatatag ng pundasyon ng pagtulong sa pagsisimula ng negosyo, at sentro ng serbisyo para sa inobasyon at pagsisimula ng negosyo, pataasin ang bolyum ng pautang at balangkasin ang pangmatalagang plano ng pamahalaan para tulungan ang pagsisimula ng mga kabataan ng negosyo.
Kaya hanggang sa kasalukuyan, itinatag ang 138 bahay-kalakal sa Xizang at ipinagkaloob ang 38.5 libong trabaho.
Bukod dito, ang magandang tanawin at kultura ng Xizang ay isa pang dahilan ng paghihikayat ng mga kabataan.
Ang Xizang ngayon ay nagiging isang destinasyon ng mga kabataan para simulan ang sariling negosyo at kasunod ng ibayo pang pagpapalalim ng reporma ng Tsina at pagpaapsulong ng modernisasyong Tsino, ito rin ay nagpapasigla nang malaki sa pag-unlad ng Xizang.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil