Premyer Tsino, hinimok ang lahat ng pagsisikap sa pagkontrol ng baha

2024-08-02 16:38:54  CMG
Share with:

Hinimok Agosto 1, 2024, Huwebes, ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang lahat ng pagsisikap para igarantiya ang epektibong pagkontrol sa baha at gawaing saklolo sa panahon ng sakuna, gayundin ang pagprotekta sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

 

Si Premiyer Li Qiang ng Tsina, bumisita sa mga residenteng nasalanta ng sakuna (photo from Xinhua)


Ginawa ni Li ang pahayag sa kanyang pagbisita sa mga residenteng nasalanta ng sakuna at nag-inspeksyon sa gawaing pagkontrol sa baha sa lunsod Chenzhou, gitnang lalawigan ng Hunan ng Tsina.

 

Sinabi niya na dapat gawin ang lahat ng pagsisikap para hanapin at iligtas ang mga nawawalang tao, ibalik ang imprastruktura at magbantay laban sa mga susunod na sakuna.

 

Pagkatapos ng inspeksyon, pinanguluhan ni Li ang isang on-site na pulong para sa pagkontrol sa baha at gawaing saklolo sa panahon ng sakuna.

 

Sinabi niya na dapat walang pagsisikap ang masayang sa mga gawaing panlunas sa baha, at ang kaligtasan ng mga mamamayan ay palaging pangunahing priyoridad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil