Pag-unlad ng Tsina, pagkakataon para sa Australia sa halip ng hamon — MOFA

2024-08-03 10:22:24  CMG
Share with:

Isinapubliko kamakailan ng Australia China Business Council (ACBC) ang ulat tungkol sa kapakanang idinadala ng kalakalan sa Tsina para sa mga pamilyang Australyano.


Ayon dito, mula noong 2022 hanggang 2023, tumaas ng AU$ 2,600 ang karaniwang disposable income ng mga pamilyang Australyano, at 595.6 na libong trabaho ang nailikha dahil sa kalakalan sa Tsina.


Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 2, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ipinakikita ng mga katotohanan at datos ng nasabing ulat na napakalaking benepisyo ang idinadala sa mga mamamayang Australyano dahil sa kalakalan sa Tsina.


Ito aniya ay nagpapakita ng esensya ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Australia tungo sa panalu-nalong resulta, at muli nitong ipinakikita na ang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon para sa Australia sa halip ng hamon.


Ani Lin, ibayo pang komprehensibong pinapalalim ang reporma at isinusulong ang modernisasyong Tsino, bagay na makakapagbigay ng mas maraming pagkakataon para sa kooperasyong Sino-Australyano.


Kasama ng panig Australyano, nakahandang isakatuparan ng panig Tsino ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng kapuwa bansa upang mabenepisyunan ng mas mabuti ang kanilang mga mamamayan, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil