Sa opisiyal na pagdalaw ni Premyer Li Qiang ng Tsina sa Australia mula Hunyo 15 hanggang 18, 2024, nilagdaan ng dalawang bansa ang mga dokumentong pangkooperasyon na gaya ng estratehikong diyalogo sa kabuhayan, pagsasakatuparan ng kasunduan ng malayang kalakalan, pangangalaga sa giant panda at visa free.
Mula 2014 hanggang 2022, bumaba ang relasyon ng dalawang bansa sa mababang antas dahil sa negatibong patakaraan ng nagdaang pamahalaan ng Australia sa mga isyu na gaya ng 5G, Xinjiang at South China Sea.
Sapul nang maghari ang Australian Labor Party sa bansang ito, binago ng pamahalaan ng Australia ang patakaran nito sa Tsina at unti-unting bumubuti ang relasyon ng dalawang bansa.
Kaya, papaano pananatilihin ang matatag at malusog na relasyon ng dalawang bansa? Dapat igiit ng dalawang bansa ang paggalang sa isa’t isa, paghahanap ng mga komong palagay at pagsasaisang-tabi ng pagkakaiba at pagsasagawa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Sa katatapos na pagdalaw ni Li sa Australia, ipinahayag ng Australia na igigiit nila ang prinsipyong isang-Tsina at hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan.” Ito ay makakatulong sa pagtatatag ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Malakas na pagbibigay ng komplemento sa isa't isa ang kabuhayan ng dalawang bansa. Noong nagdaang Marso ng taong ito, itinakwil ng Tsina ang pagpataw ng anti-dumping duty at countervailing duty sa mga alak na iniaangkat mula sa Australia. At noong nagdaang Abril, ang bolyum ng pagluluwas ng alak ng Australia sa Tsina ay umabot sa halos 86 milyong Australian Dollar.
Sa katatapos na pagdalaw ng Premyer Tsino sa Australia, nakahanda ang dalawang bansa na palawakin ang kooperasyon sa bagong enerhiyang sasakyan at renewable energy. Pasusulungin din nito ang relasyon ng dalawang bansa.
Masasabing ang Tsina at Australia ay walang pundamental na alitan sa interes at kasaysayan at may malawak na komong palagay at kapakanan.
Kaya dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil