Gawaing-panaklolo at pagkontrol sa baha, idiniin ng bise premyer ng Tsina

2024-08-05 16:45:35  CMG
Share with:

Binigyan-diin ni Bise Premyer Zhang Guoqing ng Tsina na kailangang igarantiya ang relokasyon at pagtulong sa mga residenteng apektado ng kalamidad, at palakasin ang hakbang sa pag-iwas sa baha, sa mga lugar na malapit sa ilog at kalunsuran.

 

Sa pagbisita ni Zhang mula noong Agosto 2 hanggang Agosto 3, 2024 sa mga lalawigang Heilongjiang at Liaoning sa dakong hilangang-silangan ng Tsina, siniyasat niya ang mga gawain sa pagkontrol sa baha, at tiningnan ang aktuwal na kalagayan ng mga apektadong residente.

 

Hinimok niyang magsikap ang mga lokal na awtoridad para tulungan ang mga apektado ng kalamilad, lutasin ang kahirapan, muling ibalik ang normal na takbo ng pamumuhay at produksyon, at palakasin ang pagmo-monitor para igarantiya ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio