Malakas na pag-ulan sa gitnang Tsina, nag-iwan ng 30 patay at 35 nawawala

2024-08-02 17:44:31  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng punong-tanggapan laban sa baha at tagtuyot ng lungsod ng Zixing, probisyang Hunan sa gitnang Tsina, hanggang noong tanghali ng Agosto 1, 2024, halos naibalik na ang mga kalsada, kuryente, at komunikasyon sa 8 pinakamalubhang apektadong nayon at bayan ng Zixing dahil sa malakas na ulan na dulot ng Bagyong “Gemi,” at ang paghahanap at pagsagip ay gumawa ng unti-unting progreso.

 

Ayon pa rin sa inisyal na estadistika, 30 katao ang nasawi sa kalamidad at 35 iba pa ang nawawala pa.

 

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang masinsinang pagsisikap ng iba't ibang panig sa paghahanap ng mga nawawalang tao at pagsasagawa ng iba't ibang hakbangin para sa agarang pagresponde at pagtulong sa sakuna.


Salin: Wang Lezheng

Pulido: Ramil