Mahigit 500,000 TEU, naihatid sa pamamagitan ng bagong pasilyo sa lupa’t dagat sa taong ito

2024-08-05 16:47:32  CMG
Share with:

Ayon sa China Railway Nanning Bureau Group Co. Ltd., mahigit 500,000 twenty-foot equivalent unit (TEU) na mga container para sa rail-sea intermodal transportation ang naihatid sa pamamagitan ng bagong pasilyo sa lupa’t dagat hanggang Agosto 2, 2024.

 


Ito ang pinakamataas na lebel kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang mga taon, anang kompanya.

 

Dagdag nito, lampas sa 3.1 milyong TEU para sa rail-sea intermodal transportation ang naihatid din sa pamamagitan ng nasabing pasilyong pangkalakalan, sapul nang ilunsad ng Tsina ang pangkalahatang plano nito, limang taon na ang nakaraan.

 

Ang pasilyo ay matatagpuan sa kanlurang rehiyon ng Tsina, na nag-u-ugnay sa Silk Road Economic Belt sa hilaga, 21st Century Maritime Silk Road sa timog, at Yangtze River Economic Belt sa silangang bahagi ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio