Ginanap, Agosto 6, 2024, sa Museo ng Kasaysayan ng Hong Kong ang seremonya ng pagbubukas ng national security exhibition hall ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR). Ito ang unang bulwagan ng eksibisyon sa HKSAR na sistematikong ipinakikilala ang pambansang seguridad.
Ipinahayag ni John Lee Ka-chiu, Punong Ehekutibo ng HKSAR na ang pagtatatag ng national security exhibition hall ay upang itaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa pangangalaga ng pambansang seguridad at itaguyod ang edukasyon nito sa komunidad.
Sinabi niya na ganap at tumpak na magpapatupad ang pamahalaan ng HKSAR ng patakarang "isang bansa, dalawang sistema" at walang pag-aalinlangan na pangalagaan ang pambansang soberanya, seguridad, at mga interes sa pag-unlad.
Sumasaklaw sa higit 1,100 metro kuwadrado ang bulwagan ng eksibisyon ng pambansang seguridad, at itinatanghal dito ang mga 40 video at 400 eksibit mula Agosto 7, 2024.
Salin: Ma Meiyuena
Pulido: Ramil