CPI ng Tsina, lumaki ng 0.5% noong Hulyo; PPI, bumaba

2024-08-09 17:10:18  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Agosto 9, 2024, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika (NBS) ng Tsina, lumaki ng 0.5% taon-sa-taon ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong Hulyo.

 

Sa isang buwanang batayan, tumaas din ang CPI ng 0.5% noong Hulyo, na kumakatawan sa isang maliit na pagtaas mula sa 0.2% pagbaba na naitala noong Hunyo.

 


Sa kontrasto, ang producer price index (PPI) noong Hulyo ay nakakita ng 0.8% taon-sa-taong pagbaba, na nagpapanatili ng parehong antas ng pagbaba ng gaya ng noong nakaraang buwan.

 

Sinabi ni Dong Lijuan, Punong Estadistiko ng NBS, na ang pagbaba ay naiuugnay sa pagbabagu-bagong presyo ng internasyonal na bilihan at hindi sapat na domestikong pangangailangan para sa ilang mga produktong pang-industriya.

 


Para sa unang pitong buwan ng 2024, lumaki ng 0.2% ang CPI ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, habang bumaba ng 2.0% ang PPI.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil