Gaza: mga atake ng Israel sa mga paaralan, bahay, at kampo ng refugee ay pumatay ng dose-dosena

2024-08-09 17:58:17  CMG
Share with:

 

Ipinahayag, Huwebes, Agosto 8, 2024, ng mga Palestinong mediko na pinalakas ng mga puwersang Israeli ang mga pag-atake sa buong Gaza Strip, na pumatay ng hindi bababa sa 56 katao at ikinasugat ng dose-dosenang iba pa mula pa noong madaling araw, sa karagdagang pakikipaglabanan sa mga mandirigmang Hamas habang naghahanda ang Israel para sa posibleng mas malawakang digmaan sa rehiyon.

 

Anila, ang mga pag-atake ay tumama sa isang kumpol ng mga bahay sa gitnang kampo ng Al-Bureij ng Gaza, na ikinamatay ng hindi bababa sa 15 katao, at ang kalapit na kampo ng Al-Nuseirat ay pumatay ng 4 na katao.

 

Kabilang sa walong makasaysayang kampo ang Nuseirat at Bureij sa masikip na populasyong enklabo at nakikita ito ng Israel bilang mga kuta ng mga armadong mandirigma.

 

Anila pa, binomba ng sasakyang panghimpapawid ng Israel ang isang bahay sa gitna ng lungsod ng Gaza sa hilagang Gaza Strip, na ikinamatay ng limang Palestino, habang ang isa pang pag-atake sa katimugang lungsod ng Khan Younis ay pumatay ng isang tao at ikinasugat ng iba pa.

 

Ipinahayag naman ng Civil Emergency Service ng Palestina, na kalaunan noong Huwebes, 15 Palestino ang namatay at 30 ang nasugatan sa mga pambobomba ng Israel sa dalawang paaralan sa silangang lungsod ng Gaza.

 

Samantala, sinabi ng militar ng Israel na inatake nito ang mga sentro ng command at control ng Hamas na nakalagay sa mga paaralang Abdel-Fattah Hamouda at Al-Zahra sa Tuffah na malapit sa Gaza City.


Editor: Wang Lezheng (Interno)
Pulido: Ramil Santos