Bilang ng mga namatay sa pambobomba ng Israel sa katimugang Gaza Strip, umakyat na sa 70

2024-07-23 15:56:28  CMG
Share with:

Ipinahayag Hulyo 22, 2024, ng Departamento ng Kalusugan ng Palestina sa Gaza Strip na binomba nang araw ring iyon ng hukbong Israeli ang katimugang lungsod ng Khan Yunis sa Gaza Strip, na ikinasawi ng di-kukulangin sa 70 katao at ikinasugat ng higit sa 200 iba pa.

 

Sa inilabas na pahayag ng Israel Defense Forces, sinabi nito na hiniling sa naunang panahon ng araw ring iyon, ng hukbong Israeli sa mga residente ng silangang komunidad ng Khan Yunis na lumikas dahil ipinakita ng impormasyong ang mga “terorista“ ay kumikilos sa mga lugar na ito at nagpapaputok ng mga raket, at sinusubukan din ng Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas) na muling buuin ang mga tropa nito doon.

 

Sinalakay nang araw ring iyon ng Israeli Air Force at mga artillery unit ang higit sa 30 “imprastraktura ng terorista” sa Khan Yunis.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil