Tsina, maglalabas ng pamantayan sa pagkalkula ng carbon emission

2024-08-09 16:26:52  CMG
Share with:

 

Naglabas ang Tsina ng isang plano ng pamantayan para kalkulahin ang carbon emission sa mga pangunahing sektor bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makamit ang mga target sa pagbabawas ng karbon.

 

Ayon sa planong inilabas ng National Development and Reform Commission, State Administration for Market Regulation, at Ministry of Emergency Management, sa pagtatapos ng 2024, 70 pambansang pamantayan sa pagbibilang ng karbon, bakas, pagbawas, pagkuha, paggamit, at pag-imbak ang mailalathala, na sumasaklaw sa lahat ng pangunahing sektor at kumpanya.

 

Sa susunod na taon, ayon sa plano, ilalagay ang isang sistema ng pamantayan ng pagkalkula at pagsusuri para sa mga negosyo, proyekto, at produkto, na may mga pangunahing sektor at produkto na nakakatugon sa mga kriteryong nangunguna sa mundo para sa pagkontrol sa paggamit ng enerhiya.


Editor: Zheng Zihang (Interno)
Pulido: Ramil Santos