Ulat hinggil sa ekolohikal na kapaligiran ng katubigan ng Huangyan Dao, inilabas

2024-07-10 16:09:25  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Hulyo 10, 2024 ng South China Institute of Environmental Science, National Marine Environmental Monitoring Center, at Monitoring and Scientific Research Center ng Pearl River Basin and South China Sea Ecological Environment Supervision Administration ang ulat hinggil sa imbestigasyon at pagtasa sa ekolohikal na kapaligiran ng katubigan ng Huangyan Dao ng Tsina.

 

Mula nagdaang Mayo hanggang Hunyo, ipinadala ng naturang mga departamento ang magkakasanib na grupo para isagawa ang imbestigasyon, pananaliksik at kumuha ng datos at impormasyon hinggil sa katubigan ng Huangyan Dao.

 

Ayon sa ulat, maganda ang kapaligiran ng katubigan ng Huangyan Dao at malusog ang ekolohikal na sistema nito.

 

Tinukoy din sa ulat na ang pagpapahigpit ng imbestigasyon at pangangalaga sa kapaligiran ng katubigan ng Huangyan Dao ay may kinalaman sa pangangalaga sa soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa, at paggarantiya sa seguridad ng ekolohikal na kapaligiran ng South China Sea.


Salin: Ernest 

Pulido: Ramil