Ipinahayag Biyernes, Agosto 9, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina, na malugod nitong tinatanggap ang pagtatayo ng pansamantalang pamahalaan ng Bangladesh.
Dagdag nito, ginagalang ng Tsina ang kasarinlan, soberanya, at integridad ng teritoryo ng Bangladesh, at landas ng pag-unlad na malayang pinili ng mga mamamayang Bangladeshi.
Sinabi rin ng ministri na “pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nito sa Bangladesh, at handang magsikap ang Tsina kasama ng Bangladesh, para isulong ang bilateral na pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, at higit pang paunlarin ang ating komprehensibo at estratehikong partnership.”
Editor: Qiu Siyi (Interna)
Pulido: Ramil Santos