Kasabay ng pagtatagpo, Hulyo 10, 2024, sa Beijing, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh, pinataas sa komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ang relasyon ng dalawang bansa.
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh (photo from Xinhua)
Ani Xi, upang masamantala ang ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Bangladesh sa susunod na taon, magsisikap ang Tsina, kasama ng Bangladesh para mapabuti ang dekalidad na pagtatatag ng Belt and Road, mapalawak ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at mapasulong ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership.
Kailangan aniyang palawakin ng dalawang bansa ang mainam na tradisyon ng suporta sa isa’t-isa at palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal.
Nakahandang makipagpalitan ang Tsina sa Bangladesh sa larangan ng pamamahala sa partido at bansa at patakaran sa pag-unlad; pagpapalakas ng pag-u-ugnay ng estratehiya ng pag-unlad; pagpapalalim ng kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, dagdag n Xi.
Mas marami rin aniyang kompanyang Tsino ang makikipagkooperasyon sa Bangladesh sa pamumuhunan sa industriya.
Nakahandang makipagkoodinasyon ang Tsina sa Bangladesh sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, palakasin ang kooperasyon sa mga multilateral na framework na tulad ng United Nations at pasulungin ang pagtatatag ng komuniad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, saad pa ng punong ehekutibong Tsino.
Samantala, sinabi ni Hasina na nais pag-aralan ng Bangladesh ang karanasan sa pag-unlad ng Tsina; palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, imprastruktura, pagbabawas ng karalitaan at iba pang larangan; at pabutihin ang pagpapalitan ng mga kabataan.
Nananalig siyang tiyak na matatamo ang mas malaking pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio