Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa muling pagkahalal ni Sheikh Hasina bilang punong ministro ng Bangladesh

2024-01-11 15:23:14  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Enero 11, 2024 sa muling pagkahalal ni Sheikh Hasina bilang punong ministro ng Bangladesh, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong nakalipas na 49 taon sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Bangladesh, palagian ang paggagalangan ng dalawang bansa, at suportado ng Tsina at Bangladesh ang isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleong interes.

 

Kapit-bisig aniyang umaabante ang dalawang bansa sa landas ng pagsasakatuparan ng pag-unlad at pag-ahon, at inihahatid ang aktuwal na biyaya sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Umaasa si Xi na magkasamang magpupunyagi ang magkabilang panig, upang ibayo pang ipatupad ang mahahalagang komong palagay, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, palaganapin ang tradisyonal na pagkakaibigan, palakasin ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran, pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, at paunlarin ang estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Nang araw ring iyon, ipinaabot din ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang kanyang pagbati kay Hasina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio