CGTN Poll: Mga pandaigdigang respondente, lubos na inaalala ang pagtatakip ng USADA sa mga paglabag sa doping

2024-08-09 18:01:37  CMG
Share with:

 

Mga pagtatakip, dobleng pamantayan at pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang doping scandal na may kinalaman sa American track star na si Erriyon Knighton ay mabilis na umuusbong sa isang krisis ng kredibilidad para sa US Anti-Doping Agency (USADA). Ayon sa online poll na ginawa ng CGTN, 95.57% ng mga pandaigdigang respondente ang naniniwala na maaaring pinagtakpan ng USADA ang mga atletang Amerikano na sangkot sa doping.

 

Noong Marso ng taong ito, nagpositibo si Erriyon Knighton para sa isang ipinagbabawal na sangkap ng World Anti-Doping Agency (WADA), pero iniwasan ng USADA ang kanyang pagkakasuspinde sa pamamagitan ng pag-uugnay ng kasong ito sa kontaminasyon ng karne.

 

Bilang tugon, sinabi ng WADA, na nitong mga nakalipas na taon, pinapayagan ng USADA na patuloy na makipagpaligsahan ang mga atletang nagpositibo sa doping, at ang ginawang ito ay hindi inoprabahan ng WADA.

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ng 90.15% ng mga pandaigdigang respondente na ang pagtatakip ng Amerika kay Knighton at pagpayag sa kanyang paglahok sa Paris Olympics ay seryosong sumisira sa pagiging patas at makatwiran ng mga kumpetisyon. 96.54% naman ang pumupuna dito bilang isang klasikong halimbawa ng “dobleng pamantayan ng Amerika.”

 

Habang lalo pang lumalaganap sa Amerika ang kalagayan ng "iksemsyong medikal" at "isinasabatas na paggamit ng mga bawal na sangkap," nagagalit at hindi nagtitiwala sa USADA ang internasyonal na opinyon ng publiko.

 

Batay din sa nabanggit na sarbey, malakas na hinahala ng 91.61% ng mga respondente na may sistematikong pang-aabuso sa doping sa isports ng Amerika. 95.63% naman ang nanawagan sa WADA na palakasin ang pagmomonitor at pagsusuperbisa sa mga may kinalamang awtoridad ng Amerika.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos