Suva, kabisera ng Fiji—Magkasamang nangulo nitong Lunes, Mayo 30, 2022 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Josaia Voreqe Bainimarama, Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Fiji, sa Ika-2 China-Pacific Island Countries Foreign Ministers' Meeting.
Saad ni Wang, napapatunayan ng katotohanan na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang pulo sa Pasipiko ay sumusunod sa agos ng panahon, nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan sa rehiyon, at nagpapakita ng kasiglahan at maliwanag na prospek.
Inanunsyo niyang tuluy-tuloy na itatatag ng panig Tsino ang 6 na bagong plataporma ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagbabawas sa karalitaan, pagbabago ng klima, pagpigil sa kapahamakan, agrikultura, at Juncao technology center.
Salin: Vera
Pulido: Mac