Kaligtasang nuklear sa Kursk, ipinanawagan ng puno ng IAEA sa Ukraine at Rusya

2024-08-11 18:11:55  CMG
Share with:

 

Hinimok, Agosto 9, 2024, ni Rafael Grossi, Direktor Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang Ukraine at Rusya na magtimpi para tiyakin ang kaligtasang nuklear sa rehiyong Kursk ng Rusya, kung saan matatagpuan ang Kursk Nuclear Power Plant (NPP).

 

Ani Grossi, sinusubaybayan ng IAEA ang kalagayan ng mga na-i-ulat na aktibidad-militar malapit sa Kursk NPP.

 

Nakikipagkoordina rin aniya siya sa mga may kinalamang awtoridad ng Ukraine at Rusya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan