2 eroplanong pambomba ng Amerika, bigong pumasok sa Rusya

2024-07-22 15:15:59  CMG
Share with:

Inihayag Hulyo 21, 2024, ng Ministri ng Depensa ng Rusya, na 2 eroplanong panagupa ang kanilang ipinadala upang salubungin ang 2 estratehikong pambombang eroplano ng Amerika at harangin ang kanilang pagpasok sa hangganan ng Rusya, malapit sa Dagat Barents.


Dahil dito, hindi nakapasok sa teritoryo ng Rusya ang 2 eroplano ng Amerika, anang ministri.


Ang 2 eroplano ay nakumpirma bilang “B-52H Strategic Bombers” ng Hukbong Panghimpapawid ng Amerika.


Samantala, hindi ipinahayag ng Ministri ng Depensa ng Rusya ang eksaktong oras ng pangyayari.


Binigyang-diin ng ministri, na lumipad ang kanilang mga eroplanong panagupa alinsunod sa internasyonal na regulasyon sa paggamit ng kalawakan sa internasyonal na katubigan.


Salin: Shi Weiyang

Pulido: Rhio