Pagpapahupa ng kalagayan matapos ang pagpasok ng tropa ng Ukraine sa Kursk, ipinanawagan ng Tsina

2024-08-12 16:41:14  CMG
Share with:

Ipinanawagan, Agosto 12, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang agarang pagpapahupa ng alitan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, matapos ma-i-ulat kamakailan na pumasok ang mga tropa ng Ukraine sa rehiyong Kursk ng Rusya.

 

Anang MOFA, pananatihin ng Tsina ang komunikasyon sa komunidad ng daigdig at gaganap ng konstruktibong papel ang bansa sa pagpapasulong ng pulitikal na kalutasan sa nasabing krisis.

 

Nananawagan anito ang Tsina sa lahat ng partido na sundin ang “tatlong prinsipyo” ng pagpapahupa ng kalagayan, na kinabibilangan ng: di-pagpapalaki ng lugar-labanan, di-pagpapalala ng labanan, at di-pagpapa-alab ng labanan ng anumang partido.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio