Idinaos, Agosto 13, 2024, sa Jakarta, Indonesya, ang unang Senior Officials Meeting of the China-Indonesia Joint Foreign and Defense Ministerial Dialogue ("2+2" ministerial dialogue).
Sinang-ayunan ng dalawang bansa ang mapayapang paglutas ng pagkakaiba para panatilihin ang katatagan ng rehiyon at pasulungin ang rehiyonal na kooperasyon at pag-unlad.
Sinimulan noong 2023, ang nasabing diyalogo ang kauna-unahang “2+2” na mekanismo sa ministeryal na lebel, na binuo ng Tsina kasama ang ibang bansa.
Anang dalawang panig, sinasalamin ng pagkakatayo ng nasabing mekanismo ang mataas na antas ng estratehikong relasyong Sino-Indonesyano.
Inulit din ng Tsina ang posisyon nito sa isyung may kinalaman sa nukleong interes at pangunahing pagkabahala ng bansa, na tulad ng rehiyong Taiwan, South China Sea, at iba pa.
Sinabi naman ng Indonesya na nananangan ito sa prinsipyong isang-Tsina at sinusuportahan nito ang mapayapang paglutas sa mga pagkakaiba para panatilihin ang katatagan ng rehiyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio