Idinaos Huwebes, Hunyo 14, 2024, sa lalawigang Jilin sa dakong hilagang silangan ng Tsina, nina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinator ng Indonesia para sa Kooperasyon sa Tsina, ang pulong ng mataas na lebel ng mekanismo ng diyalogo at kooperasyon.
Sa pulong, sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na gamitin nang mabuti ang mekanismong ito kasama ng panig ng Indonesia, at patuloy na palalimin ang all-round strategic cooperation na nakasentro sa pagbuo ng komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Indonesia.
Aniya, magsisikap ang Tsina, kasama ng Indonesia, para bumuo ng modelo ng relasyon ng mga pangunahing umuunlad na bansa na may mataas na lebel ng estratehikong mutuwal na pagtitiwalaan, pagkokomplemento sa mga larangan, at sinerhiyang pag-unlad sa iba’t ibang aspekto.
Dapat planuhin ng dalawang panig ang susunod na yugto ng mataas na lebel ng pagpapalitan, pagsamahin ang mataas na lebel ng mutuwal na pagtitiwalaan at matatag na suportahan ang nukleong interes at alalahanin ng bawat isa, saad ni Wang.
Hinimok din niya ang Tsina at Indonesia na tumutok sa mataas na lebel ng kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road, palawakin ang kooperasyon sa mga pangunahing larangan ng didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad at pagpapabuti ng pamumuhay, palakasin ang sinerhiya ng mga estratehiya ng pag-unlad at pasulungin ang kooperasyong pandagat.
Ipinahayag naman ni Luhut ang kahandaan na isulong ang sinerhiya ng Global Maritime Fulcrum vision ng Indonesia at ang Belt and Road Initiative ng Tsina, at lalo pang palakasin ang mga kooperasyon sa dagat, pangingisda, pangangalagang kalusugan, artificial intelligence, seguridad ng pagkain, at berdeng enerhiya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil