Sinubukan, Agosto 13, 2024 ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya at ilang ministro ng kanyang gabinete ang gawang-Tsinong Autonomous-rail Rapid Transit (ART) sa bagong kabiserang Nusantara ng bansa.
Kumpara sa tradisyunal na tren, naniniwala siyang ibibigay ng ART ang mas sustenable at murang alternatibo.
Ang ART ay magkatuwang na inilunsad ng China North International Cooperation Co., Ltd. (North International) at CRRC Group.
Ayon sa North International, ang ART ay komersyal nang tumatakbo sa maraming lunsod ng Tsina at Abu Dhabi, ang kabisera ng United Arab Emirates (UAE).
Salin: Belinda
Pulido: Rhio
Kompanyang Tsino, tumutulong sa pagtatatag ng ekosistema ng de-kuryenteng sasakyan sa Indonesya
Tsina at Indonesia, idinaos ang pulong ng mataas na lebel ng mekanismo ng diyalogo at kooperasyon
Tsina at Indonesia, isusulong ang mga pragmatikong kooperasyon
Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa Indonesya, Kambodya at Papua New Guinea