Inihayag ng Russian State Atomic Energy Corporation (RAEC), na dalawang beses na sinalakay ng mga drone ng Ukraine, Agosto 11, 2024 ang cooling tower ng Zaporizhzhia Nuclear Power Plant, na nagdulot ng sunog.
Sa kasalukuyan, halos na-apula na ang apoy at isasagawa ang mga kaugnay na pagsusuri sa posibilidad ng pagbagsak ng cooling tower, sa sandaling payagan ng sitwasyon, dagdag ng RAEC.
Maaari anitong ituring na terorismong nuklear ang ginawa ng Ukraine.
Ang Zaporizhzhia Nuclear Power Plant ay matatagpuan sa loob ng Ukraine at kontrolado ngayon ng Rusya.