Ngayong araw, Agosto 15, 2024, ang Ika-2 Pambansang Araw ng Ekolohiya ng Tsina.
Ang kapaligirang ekolohikal ay pundasyon ng pamumuhay at pag-unlad ng sangkatauhan.
Sa nakalipas na mga taon, walang-humpay na pinoprotektahan ng Tsina ang kapaligirang ekolohikal. Bunga nito, sa kasalukuyan, nagiging mas bughaw ang langit, mas luntian ang lupa, at mas malinaw ang katubigan sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Sa okasyong ito, halina’t sundan ang lente namin para pagmasdan ang magandang kapaligirang ekolohikal sa Tsina.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil