Mga pandaigdigang eksperto, naghahanap ng mga praktikal na opsyon sa berdeng pag-unlad sa Beijing

2024-08-16 18:21:52  CMG
Share with:

 

Nagtipun-tipon, Agosto 15, 2024 sa Beijing, sa Pambansang Araw ng Ekolohiya ng Tsina, ang mahigit 100 iskolar, eksperto, at diplomata mula sa 36 na bansa at rehiyon para dumalo sa International Symposium on Environment, Development and Human Rights: Green and Low-Carbon Development in the Process of Modernization.

 

Ibinahagi ng mga internasyonal na panauhin na dumalo sa simposyum ang mga dramatikong pagbabago sa kapaligiran na kanilang nasaksihan sa Tsina, sa kanilang mga paglalakbay sa bansa nitong nakalipas na ilang taon at nagpahayag ng pag-asa para sa hinaharap na pakikipagtulungan sa Tsina at higit pang mga pagpipilian sa berdeng pag-unlad para sa mundo.

 

Sa simposyum, inilabas ng mga delegado mula sa iba 't ibang bansa ang magkasanib na inisyatiba na pinamagatang “Strengthening Ecological Civilization Construction and Promoting Green and Low-Carbon Development”.


Editor: Yan Jiayue (Interna)
Pulido: Ramil Santos