Wang Yi, nakipagtagpo sa Ministrong Panlabas ng Laos

2024-08-16 18:30:11  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo Huwebes Agosto 15, 2024 sa Chiang Mai, Thailand, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Saleumxay Kommasith, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Laos.

 

Ipinahayag ni Wang na handa ang Tsina, kasama ng Laos, na palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapaki-pakinabang sa iba't ibang larangan, palakihin ang komprehensibong benepisyo ng China-Laos Railway, sama-samang tugunan ang mga balakid, at pabilisin ang komprehensibong pag-unlad sa kahabaan ng riles para mapagsilbihan ang kani-kanilang pag-unlad at pagbabagong-buhay ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din niya na matatag na sinusuportahan ng Tsina ang Laos sa tungkulin nito bilang tumatayong tagapangulo ng ASEAN at sa higit pang pagpapalakas ng impluwensyang internasyonal at rehiyonal nito.

 

Sinabi naman ni Saleumxay na ang mabilis na pag-unlad ng kooperasyong Lao-Sino ay may mahalagang papel sa sosyoekonomikong pag-unlad ng Laos.

 

Aniya, nakahanda ang Laos na makipagtulungan sa Tsina para ipatupad ang mahalagang pinagkasunduan na naabot ng mga lider ng kapwa bansa, pahusayin ang matataas na antas ng pagpapalitan, palalimin ang kooperasyon sa konektibidad at mga yamang mineral, at magkasamang labanan ang transnasyonal na krimen.

 

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa isyu ng Myanmar.

 

Sinabi ni Wang na sinusuportahan ng Tsina ang ASEAN sa paggalugad ng pagkakahanay at mutwal na komplementaridad sa pagitan ng Five-Point Consesus ng ASEAN at bagong five-point roadmap ng Myanmar para tulungan ang Myanmar na mapanatili ang domestikong stabilidad.

 

Pinahahalagahan ni Saleumxay ang konstruktibong papel ng Tsina sa pagtataguyod ng usaping pangkapayapaan sa hilagang Myanmar at rekonsilyasyong pulitikal sa loob ng Myanmar.


Editor: Zheng Zihang (Interno)
Pulido: Ramil Santos