Sa kabila ng paulit-ulit na babala, buong tigas at ilegal na pumasok Agosto 8, 2024 sa airspace ng Huangyan Dao ng South China Sea (SCS) ng Tsina ang isang eroplanong NC-212 ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas na nakahadlang sa normal na pagsasanay ng Tsina.
Pagkatapos nito, inorganisa ng Southern Theater Command ng Chinese People's Liberation Army (PLA) ang mga hukbong pandagat at panghimpapawid upang isagawa alinsunod sa batas, ang pagkilala at pagpatunay, pagsubaybay, pagmasid at babala at pagpapalayas. Propesyonal, standardized, makatwiran at legal ang mga operasyon sa pook na pinangyarihan.
Binalaan ng Southern Theater Command ang panig Pilipino na itigil ang paglabag sa soberanya ng Tsina, mga probokatibong aksyon, at pagbabaligtad at pagpukaw.
May di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Dao at mga karatig na katubigan. Nananatiling nakaalerto sa lahat ng oras, ang mga tropa ng Southern Theater Command upang buong tatag na ipagtanggol ang soberanya at kaligtasan ng bansa at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa SCS.
Salin: Lito
Pulido: Ramil
CMG Komentaryo: Pilipinas, tagasira sa ekolohiya ng South China Sea – dalawang ulat ng Tsina
Ulat hinggil sa ekolohikal na kapaligiran ng katubigan ng Huangyan Dao, inilabas
Tsina, nagsagawa ng aksyon ng pagpapatupad ng batas sa katubigan ng Huangyan Dao
Regular na pagsasanay, isinagawa ng CCG sa katubigan ng Huangyan Dao