Tsina, may di-mapag-aalinlanganang soberanya sa Huangyan Dao, himpapawid at katubigan sa pagilid nito – MOFA

2024-08-14 16:39:47  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, dalawang panagupang eroplano ng Tsina ang gumawa ng “mapanganib na hakbang,” Agosto 8, 2024, sa himpapawid ng Huangyan Dao.

 

Hinggil dito, sinabi Agosto 11, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang aksyon ng Tsina ay “ilegal and walang-pakundangan sa kaligtasan ng iba.”

 

Bilang tugon, ipinahayag Agosto 13, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang Huangyan Dao ay teritoryo ng Tsina.

 

Mayroon aniyang di-mapag-aalinlanganang soberanya ang Tsina sa Huangyan Dao, himpapawid, at katubigan sa pagilid nito.

 

Noong Agosto 7 at 8, dalawang beses na pinasok ng militar na sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas ang himpapawid sa paligid ng Huangyan Dao, na grabeng lumabag ng soberanya ng Tsina, at lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, ani Lin.

 

Ligal aniyang isinagawa ng hukbong Tsino ang kinakailangang hakbangin, at ang kanilang aksyon ay propesyonal at naayon sa batas ng Tsina at pandaigdigang batas.

 

Tinkoy ni Lin na ipinadala ng Pilipinas ang nasabing sasakyang panghimpapawid sa himpapawid ng Huangyan Dao sa panahon ng umano’y magkasanib na pagpapatrolya sa South China Sea ng Pilipinas, Amerika, Australya at Kanada, kaya ito ay malinaw na probokasyon.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang Pilipinas na agarang itigil ang probokasyon sa Huangyan Dao.

 

Patuloy na isasagawa ng Tsina ang hakbangin ayon sa batas para matatag na mapangalagaan ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng bansa, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio