Chiang Mai, Thailand — Idinaos Agosto 16, 2024 ang Ika-9 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Binubuo ng mekanismo ng LMC ang anim na bansang kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam.
Ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi na sa estratehikong pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at mga lider ng limang bansa, walang patid na natatamo ng pagpapasulong ng iba’t-ibang panig ng konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng mga bansang Lancang-Mekong ang kapansin-pansing bunga.
Ito aniya ay nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng anim na bansa, at nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa katatagan at kasaganaang panrehiyon.
Lubos namang pinapurihan ng iba’t-ibang kalahok na panig ang mga natamong progreso ng LMC.
Ipinalalagay nilang mabilis na umuunlad ang LMC na nagsisilbing pinakamabunga at pinakamasiglang mekanismo sa rehiyong ito.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng iba’t-ibang panig na palakasin ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng konektibidad, kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, kaligtasan ng pagkaing-butil, enerhiya, yamang-tubig, pagbabago ng klima, at kultura.
Salin: Lito