Premyer Tsino, dumalo sa ika-4 na pulong ng mga lider ng Lancang-Mekong Cooperation

2023-12-26 15:20:39  CMG
Share with:


Sa pamamagitan ng video link, dumalo, Disyembre 25, 2023 si Premyer Li Qiang ng Tsina sa ika-4 na pulong ng mga lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).

 

Magkasamang nangulo sa pulong sina Li at Min Aung Hlaing, lider ng Myanmar, at kasali rito sina Punong Ministro Hun Manet ng Kambodya, Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos, Punong Ministro Srettha Thavisin ng Thailand, at Punong Ministro Pham Minh Chinh ng Biyetnam.

 

Kaugnay ng LMC, iminungkahi ni Premyer Li na magkakasamang balakin at ipatupad ang mga estratehikong proyekto ng interkonektibidad sa rehiyon ng Lancang-Mekong, pasulungin ang pag-a-upgrade ng mga proyektong pangkooperasyon sa transnasyonal na kabuhaya’t kalakalan, production capacity, at agrikultura, pangalagaan ang kaligtasan at katatagan ng industrial at supply chains, at palakasin ang kooperasyon sa matalinong manupaktura at big data.

 

Hinimok din niyang pasulungin ang berdeng kooperasyon, lubos na igalang ang lehitimong karapatan at kapananan ng iba’t ibang bansa sa makatwirang paggagalugad at paggamit ng yamang tubig, at isaalang-alang ang pagkabahala ng isa’t isa.

 

Ipinanawagan ni Li na palakasin ang pangangasiwang panseguridad, puspusang bigyang-dagok ang mga aksyong kriminal na gaya ng online gambling at telecom fraud, at palalimin ang pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Binigyan ng mga kalahok na lider ng lubos na pagpapahalaga ang natamong bunga ng LMC, at pinasalamatan nila ang namumukod na ambag ng Tsina para sa pagpapasulong sa LMC.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil