Wang Yi, nanawagan para sa mataas na kalidad na kooperasyong Sino-Kambodyano

2024-08-16 16:56:27  CMG
Share with:

 

Ipinahayag, Agosto 15, 2024, ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Kambodya upang panatilihin ang mataas na pagpapalitan, palalimin ang praktikal na kooperasyon at pagsama-samahin ang kooperasyong panseguridad para isulong ang komprehensibong estratehikong kooperasyong Sino-Kambodyano tungo sa mataas na kalidad ng pag-unlad.

 

Ginawa ni Wang ang mga pahayag habang nakikipagpulong siya kay Sok Chenda Sophea, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Ugnayang Panlabas at Internasyonal na Kooperasyon ng Kambodya, sa Chiang Mai, Thailand.

 

Sinabi naman Sok Chenda Sophea, na palaging nakatuon ang Tsina sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon at dagdag niya, makikinabang sa pag-unlad ng Tsina ang rehiyon, kabilang ang Kambodya.

 

Sa usaping Lancang-Mekong Cooperation (LMC), sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa lahat ng panig, kabilang ang mga bansang kasapi ng LMC, upang isulong ang pangkalahatang pag-unlad ng Indo-China Peninsula sa pamamagitan ng LMC.

 

Ang mga bansang kasapi ng LMC ay Tsina, Myanmar, Thailand, Laos, Kambodya, at Biyetnam.


Editor: Zhong Yujia (Interna)
Pulido: Ramil Santos