Nanungkulan Agosto 16, 2024 ang lider ng Pheu Thai Party na si Paetongtarn Shinawatra bilang ika-31 Punong Ministro ng Thailand.
Kaugnay nito, ipinaabot nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang pagbati kay Paetongtarn Shinawatra.
Nananalig aniya ang panig Tsino na matatamo ng mga mamamayang Thai ang mas malaking tagumpay sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado.
Sinabi ng tagapagsalitang Tsino na sasalubungin sa susunod na taon ang ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, at nahaharap ang pag-unlad ng bilateral na relasyong Sino-Thai sa bagong pagkakataong historikal.
Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng panig Thai, upang mapalalim ang tradisyunal na pagkakaibigan, mapalakas ang estratehikong pagkokoordinahan, at mapasulong ang pragmatikong kooperasyon upang ibayo pang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng kapuwa bansa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil