Punong ministro ng Thailand, tinanggal sa puwesto

2024-08-15 16:54:03  CMG
Share with:


Ipinahayag Agosto 14, 2024, ng Konstitusyonal na Hukuman ng Thailand, na tinanggal na sa puwesto si Srettha Thavisin bilang punong ministro ng Thailand dahil sa paglabag niya sa mga etika sa ilalim ng konstitusyon para sa paghirang ng miyembro ng gabinete na may rekord sa bilangguan.

 

Ayon sa hukuman, ang paghirang ni Srettha kay Pichit Chuenban bilang Ministro ng Tanggapan ng Punong Ministro, sa kabila ng pag-alam na hindi siya kwalipikado sa pampulitikang posisyon, ay nagpapakitang si Srettha ay malubhang lumabag sa etika at nadiskuwalipika alinsunod sa konstitusyon.

 

Sinabi naman ni Srettha na ginagalang niya ang hatol ng hukuman. Pero aniya, ginawa niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya at sumunod sa mga prinsipyong etikal sa buong halos isang taong panunungkulan.


Salin: Tala


Pulido: Ramil