Nag-usap Agosto 19, 2024, sa Beijing, sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng Tsina, at To Lam, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng Biyetnam.
Malugod na tinaggap ni Xi ang dalaw-pang-estado ni Lam sa Tsina at muling binati siya para sa pagkahalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV.
Aniya, ang Tsina ay destinasyon ng unang pagbisita ni Lam sa ibayong dagat pagkatapos ng panungkulan niya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV.
Sinabi niya na ito ay lubos na nagpapakita ng pagpapahalaga ni Lam sa relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa, gayundin ang mataas na antas at estratehikong katangian ng relasyong Sino-Biyetnames.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaang itatatag ang mabuting relasyon sa pagtatrabaho at personal na pakikipagkaibigan kay Lam para magkasamang gabayan ang matibay na pag-unlad ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil