Unang Ginang ng Tsina at Biyetnam, nag-usap at nagtsa-tsaa

2024-08-20 10:46:55  CMG
Share with:

Nag-usap at nagtsa-tsaa Agosto 19, 2024, sa Beijing, sina Peng Liyuan, asawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng Tsina, at Ngo Phuong Ly, asawa ni To Lam, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng Biyetnam.

 


Sinabi ni Peng na ang Tsina at Biyetnam ay magkaibigang kapitbahay.

 

Inaasahan niya na palalakasin ng dalawang panig ang pagpapalitan at kooperasyon, palalalimin ang mutuwal na pagkakaunawaan at pasusulungin ang pag-unlad ng pagkakaibigan, dagdag ni Peng.

 

Sinabi naman ni Ngo Phuong Ly na dapat higit pang pasulungin ng dalawang panig ang pagpapalitan sa pagitan ng kanilang mga kababaihan at kabataan, palalimin ang mutuwal na pagkakaunawaan sa isa’t isa at palakasin ang pagkakaibigan ng mga tao-sa-tao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil