Sinabi Agosto 20, 2024, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC) na tinututulan ng Tsina ang plano ng Komisyong Europeo na patawan ng mataas na buwis ang pag-aangkat hanggang 36.3% sa electric vehicles (EVs) ng Tsina, at isasagawa ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng bahay-kalakal ng Tsina.
Ipinataw noong nakaraang buwan ng komisyon ang probisyonal na karagdagang buwis ng 37.6% sa merkado ng EVs ng Tsina, pagkatapos ng pagpapalabas nito ng anti-subsidy probe sa EVs ng Tsina noong Oktubre, 2023.
Inilathala Martes, ng komisyon ang planong panukala para gawing tiyak ang mga buwis, at bahagyang pagbago ng mga singil, na mapapailalalim sa pag-apruba ng mga miyembrong bansa ng EU.
Ayon sa tagapagsalita ng MOC, ang proseso ng imbestigasyon sa anti-subsidy ng komisyon sa EVs ng Tsina ay hindi sumunod sa mga regulasyon ng World Trade Organization (WTO), at isa itong akto ng “hindi patas na kompetisyon” sa ilalim ng pagkukunwari ng “pantay na kompetisyon.”
Aniya, makagagambala sa katatagan ng pandaigdigang kadena ng suplay ng sasakyan ang maling gawain ng komisyon at makakasama ito sa interes ng mga mamimili ng Europa.
Sinisira din nito ang berdeng transpormasyon ng EU at pandaigdigang kooperasyon sa harap ng pagbabago ng klima, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil