Kasunduan ng tigil-putukan sa Gaza, ipinanawagan ng pangulo ng Ehipto

2024-08-21 18:10:17  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Agosto 20, 2024 kay Anthony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sinabi ni Abdel Fattah El-Sisi, Pangulo ng Ehipto, na dumating na ang oras para maabot ang isang kasunduan ng tigil-putukan sa Gaza.

 

Ayon sa isang pahayag ng tanggapang pampanguluhan ng Ehipto, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga resulta ng kamakailang negosasyon sa tigil-putukan sa Gaza na ginanap sa Doha, at kung paano magkakaroon ng progreso sa susunod na negosasyon sa Cairo.

 

Simula nang sumiklab ang bagong bakbakan sa pagitan ng Israel at Palestine noong Oktubre 7 ng nakaraang taon, ito na ang ikasiyam na pagbisita ni Blinken sa Gitnang Silangan.

 

Habang pinapaboran ng Amerika ang Israel sa mga negosasyong tigil-putukan sa Gaza, maduda ang sinseridad at motibo nito na pumagitna sa bakbakan.

 

Salin: Shi Weiyang

 

Pulido: Ramil