Ika-6 na China-Africa media cooperation forum at China-Africa Think Tank High-Level Dialogue, ginanap sa Beijing

2024-08-22 16:32:53  CMG
Share with:

Idinaos, Agosto 21, 2024, sa Beijing, ang Ika-6 na China-Africa Media Cooperation Forum at China-Africa Think Tank High-Level Dialogue.

 

Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Li Shulei, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pinuno ng Departamento ng Pagpapahayag ng Komite Sentral ng CPC.

 


Sa porum, sinabi ng mga tauhan ng mga media organization at think tank ng Tsina at mga bansang Aprikano, na sa ilalim ng estratehikong patnubay ni Pangulong Xi Jinping at ng mga pinuno ng mga bansang Aprikano, ang relasyong Sino-Aprikano ay pumasok sa bagong yugto ng sama-samang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika sa mas mataas na antas.

 

Dagdag nila, ang nalalapit na China-Africa Cooperation Forum Summit ay isa pang malaking kaganapan para palakasin ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng Tsina at Aprika. Magkakasama anilang isasalaysay ng mga media at think tank ng dalawang panig ang mga kuwento tungkol sa pag-unlad ng mga kooperasyong Sino-Aprikano, para magbigay ng ambag sa magkasanib na pagsisikap ng Tsina at Aprika na isulong ang modernisasyon.