Espesyal na sugo ng pangulong Tsino, dadalo sa inagurasyon ng pangulo ng Timog Aprika

2024-06-18 09:39:59  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Hunyo 17, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng pamahalaan ng Timog Aprika, dadalo si Xiao Jie, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Kongreso ng Bayan (NPC), sa seremonya ng inagurasyon ni Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika na idaraos Hunyo 19 sa Pretoria, kabisera ng Timog Aprika.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil